Mga pulis mahigpit na pinagbabantay laban sa ilegal na paputok

by Radyo La Verdad | December 22, 2015 (Tuesday) | 1800

MARQUEZ
Mahigpit ang mandato ng pamunuan ng Philippine National Police sa kanyang mga tauhan na maging agresibo sa kampanya laban sa ilegal na paputok.

Ayon kay PNP Chief P/Dir. Gen. Ricardo Marquez, nagpakalat sila ng mas maraming tauhan upang mahigpit na bantayan at hulihin ang mga itinitindang ilegal na paputok.

Inatasan na rin aniya nya ang mga police commanders na magsagawa ng inspection sa mga tindahan at pagawaan nito.

Kailangan din aniyang makipag ugnayan sa mga Local Government Units at Bureau of Fire Protection tuwing magsasagawa ng inspeksyon.

Sinabi pa ng heneral na ipatatawag nya ang bawat police commander ng lugar na may mataas na bilang ng biktima ng paputok subalit walang nahuli upang pagpaliwanagin.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 3 nahuli ang PNP na nagbebenta ng ilegal na paputok sa Region 7 at Region 11.

Iginiit din ng pinuno nang pambansang pulisya na tiyak na may kaukulang parusa ang sino mang pulis na makikipag sabwatan sa mga tindera o manufacturer ng mga ipinagbabawal na paputok.

Hinikayat din nito ang publiko na isumbong sa pnp ang mga pulis na makikitang gumagamit ng mga illegal firecrackers at pyrotechnics.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,