METRO MANILA – “Dont lower your ground,” ito ang utos ni JTF CV Shield Commander PLTGEN. Guillermo Eleazar sa mga pulis laban sa mga patuloy na lumalabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Eleazar, kailangan pa ng mas istriktong pagbabantay hanggang sa mabawasan na ang patuloy na lumalabas sa kani-kanilang bahay.
Base sa tala ng JTF CV Shield, simula March 17 hanggang April 8, nasa 96,330 na ang kanilang naharang o sinita na lumalabas labas ng bahay sa buong bansa. 71.06% o 68,451 ang pinagsabihan at pinauwi ng bahay. Mahigit kalahati ang naharang sa Luzon na nasa 55,665 .
Samantala 17,748 ang mula sa Visayas at 22,917 ang mula sa Mindanao. Nasa 4,460 naman ang pinagmulta base sa ordinansa ng mga lokal na pamahalaan at nasa 23,419 naman ang sinampahan ng kaso.
Sinabi pa ni Eleazar, napansin nya sa kanyang pag-iikot na marami pa ring mga sasakyan na hindi cargo trucks ang nasa lansangan na dapat aniyang bantayan at hulihin para hindi mamihasa.
(Lea Ylagan)
Tags: checkpoint, Coronavirus, Covid-19, PNP