Nagbigay ng dealine and Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa mga provincial at city buses na wala pa ring nakalagay na Global Positioning System o GPS sa kanilang mga unit.
Hanggang katapusan ng June ang palugit sa mga provincial bus habang hanggang Setyembre naman sa mga city bus.
Layong ng paglalagay ng GPS sa mga bus unit na mabawasan ang mga aksidente sa daan.
Bukod sa malalaman kung lumalabas na sa kanyang ruta ang mga bus, ma-monitor na rin ng LTFRB ang mga ito sa pamamagitan ng isang server.
Oras na makumpleto na ang paglalagay ng GPS sa mga bus, isusunod naman ng LTFRB ang mga jeepney, taxi at uv express.
(Mon Jocson/UNTV NEWS)
Tags: GPS, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, provincial at city buses