Mga programang pangkalusugan ng DepEd, pinalakas pa

by Radyo La Verdad | October 12, 2022 (Wednesday) | 11255

METRO MANILA – Sisimulan na ng Department of Education (DepEd) na ipatupad muli ang kanilang mga programang pangkalusugan sa ilalim ng “Oplan Kalusugan” o “OK sa DepEd” program ng kagawaran.

Layunin ng programa na mapagtibay ang health program ng DepEd gaya ng school-based feeding program at iba pang nutrition support programs.

Kasama rin dito ang national drug education program, comprehensive tobacco control; adolescent reproductive health program (ARH); water, sanitation at hygiene (WASH) in schools (WINS).

Ilan pa sa muling isasagawa ng kagawaran ang pagbibigay ng medical, dental at nursing services at school mental health program.

Samantala, sa tala ng DepEd, kadalasang sakit na naitatala sa mga mag-aaral ay ang dental caries, sipon at ubo, gayundin ang skin allergies.

Habang nasa 3.5 million naman na mga estudyante sa elementarya ang ikinukonsiderang undernourished. 1.7-M dito ay mula sa kinder to grade 6 students habang 1.8-M naman ay mula sa kinder level nationwide.

Bukod sa DOH, katuwang rin ng DepEd ang Office of the Vice President sa pagtugon sa problema sa mulnutrisyon sa bansa sa pamamagitan nman ng kalusugan food trucks nito na ide-deploy at mag-iikot sa Luzon, Visayas at Mindanao.

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: , ,