Nakahanda ang tanggapan ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para sa mga drug dependent at OFW na gustong sumailalim sa mga programa nito.
Ayon kay TESDA Dir. Gen Guiling Mamondiong, kailangan lamang na matapos muna ang rehabilitation program ng mga drug dependent bago isalang ang mga ito sa skills training.
Nasa 700 libo ang nakarating na bilang ng mga sumukong drug dependent sa TESDA subalit nasa 1.2M ang kanilang inaasahan.
Maaaring mamili ang mga ito sa mga kurso ng tesda gaya ng welding, construction at automotive.
Nakaabang din ang tesda sa mga OFW lalo na sa mga umuwi galing ng Middle East.
Bagama’t may mga skills na ang mga ito ay titingnan pa rin nila kung may iba pang-aakma o mai-daragdag upang makahanap muli ng trabaho.
Posible namang isara ng TESDA ang mga programa ng tinatayang nasa 400 o 10% ng accredited na institusyon matapos bumagsak o no-compliant ang mga ito sa kanilang panuntunan.
Nagsasagawa na ngayon ng pag-o-audit ang ahensya para matiyak kung sumusunod ito sa standard na itinakda.
Sa ngayon ay ibinaba na rin ng tesda sa barangay level ang recruitment sa mga scholar upang maabot pa ang mas marami.
Nasa 42K ang barangay sa bansa at target ng TESDA na mabigyan ng scholarship ang hindi bababa sa 200 katao kada barangay.
(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)