Nagpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.
Epektibo alas dose ng hatinggabi kanina ay nagrollback ang Petron, Seaoil, Caltex at Flying V ng singkwenta sentimong bawas-presyo sa diesel at trenta y singko sentimos sa kerosene.
Wala namang paggalaw sa halaga ng gasolina.
Alas sais naman ng umaga nang magrollback ng kaparehong halaga ang Shell, Phoenix Petroleum at PTT Philippines.
Tags: may bawas presyo ngayong araw, mga produktong petrolyo