Presyo ng mga produktong petrolyo, nag-rollback ngayong araw

by Radyo La Verdad | March 14, 2017 (Tuesday) | 5919


Nagpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Trenta y singko sentimos ang nabawas sa halaga ng kada litro ng gasolina ng Petron, Shell, Seaoil at Flying V.

Sisenta sentimos naman ang rollback sa kada litro ng diesel at sitenta sentimos sa kerosene.

Kaparehong price rollback din ang ipinatupad sa gasolina at diesel ng Unioil, Eastern Petroleum, Jetti, Phoenix Petroleum at PTT Philippines ngunit walang naging paggalaw sa presyo ng kerosene.

Ito ang ikalawang oil price rollback ngayong buwan.

Tags: , ,