Bagaman may mga manufacturer ang humirit ng dagdag presyo sa ilang produkto na mabenta tuwing holiday season.
Inianunsyo ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na karamihan ng mga holiday season items ay hindi magtataas ng presyo.
“it is safe to say na halos lahat po ng produkto ay hindi po nagtaas ng presyo compared to 2019,nag agree po sila na wala munang price increase dito sa mga noche buena products.” ani DTI Sec.Mon Lopez.
Nauna nang humiling ng 3 hanggang 5 % taas presyo ang ilang manufacturer ng holiday season items,dahil na rin sa mataas na presyo ng raw materials.
Pero matapos na mapakiusapan ng DTI, pumayag rin ang mga ito na huwag na munang magpatupad ng dagdag presyo bilang pakikipagbayanihan sa gitna ng epekto ng Covid-19 pandemic.
“Kung sa meat products yung mga hamon sila yung mga unang nagsabi na hindi na sila magtatas at ito po ay alang alang sa mga kababayan natin dahil sa pandemya they are absorbing the cost” ani
DTI Sec.Mon Lopez.
Bukas inaasahang ilalabas ng DTI ang kumpletong listahan ng bagong suggested retail price para holiday season items.
(Joan Nano | UNTV News)