Mga problema sa enrollment at papasok sa Kindergarten, pangunahing idinulog ngayong araw sa DEPED Command Center

by Radyo La Verdad | June 13, 2016 (Monday) | 1436

GRACE_DEPED-HOTLINE
Nangunguna sa mga reklamo at tanong na natatanggap ng Department of Education Command Center ay ang mga concerns ng mga magulang sa pagpapa-enroll ng kanilang mga anak at ng mga papasok sa kindergarten.

May mangilangilan pa rin na hindi tumugon sa panawagan ng Dept. of Education na early registration at enrollment kaya nagkakaproblema sila ngayong pasukan.

Gayunman, tiniyak ng DEPED na tatanggapin pa rin ang mga ito subalit posibleng maiwan na sila sa ilang aralin dahil nagsumula na ang klase at aralin ngayong araw.

Kaya naman nananawagan ang DEPED sa mga magulang na maging responsible at maaga pa lang ay pinaplano na kung saang paaralan pagaaralain ang kanilang mga anak lalo na kung ito ay papasok sa junior at senior high school.

Hindi naman maitatanggi ng DEPED na mayroon pa rin aberya sa full implementation ng K-12 program subalit ginagawan naman nila itong solusyon.

Tulad na lang sa Ramon Magsaysay High School sa Quezon City kung saan handang-handa na sa unang taon ng senior high school.

Bukod sa may sapat na classroom, mayroon din silang nakalaang libro sa mga estudyante.

6,002 ang mga public school na nagoofer ng senior high school habang ang non-DEPED o mga private schools naman at 5,031.

Pinayuhan din ng DEPED ang mga magulang na huwag piliting ipasok sa kindergarten ang mga batang wala pang limang taon gulang.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,