Sa biyernes inaasahang matapos ang preparasyon sa loob ng mababang kapulungan ng kongreso para sa huling State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Aquino sa Lunes.
Ayon kay Atty Marilyn Barua-Yap, Secretary General ng mababang kapulungan ng kongreso, inaasahang dadagsa ang mga panauhing pangdangal sa darating na SONA, dahil ito na ang pinakahuling SONA ng Pangulo.
Maaari anyang umabot sa maximum na 2750 ang mga manonood sa SONA nya sa loob ng session hall.
Inaasahang naman hindi lalampas ang budget ngayon taon sa budget noong nakaraang taon na P2.3 million mas maliit din ang inaasahang gastos ngayon dahil sa tulong ng ibang government agencies na magsasagawa ng repair at pagsasaayos sa lugar.
Halimbawa nalang ang gardening ay gagawin ng DENR, painting sa loob ng HREP ay gagawin ng MMDA at QC Govt.
Ang sa pagsasaayos ng mga kalsada ay gagawin ng MMDA at DPWH.
Mayroon ring ilang gastusin na hindi isasama sa SONA budget dahil nakapaloob na ito sa regular annual operating expenses ng House of Representatives.
Ala-una ng hapon sa mismong araw ng SONA magpapatupad ng no fly zone sa lugar.
Inaasahan din na ang batang singer na si Gwyneth Durado ang kakanta ng national anthem ng bansa sa huling SONA ni Pangulong Aquino.
Tags: Atty Marilyn Barua-Yap, Gwyneth Durado, House of Representatives
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com