Mga power saver na ibinibenta sa merkado hindi totoong nakatutulong na makatipid ng kuryente ayon sa Meralco

by Radyo La Verdad | July 15, 2015 (Wednesday) | 2159

POWER SAVERS
Nagkalat ngayon sa merkado ang mga ibinibentang power saver

Marami ang nahihikayat na bumili dahil sa matamis na dila ng mga vendor na makatitipid sa kuryente kapaggumamit nito.

Sa halagang tatlong libo, makatitipid ka umano ng 35% kapag ginamit ang power saver

Subalit ayon sa Meralco, walang silbi ang mga power saver dahil sa isinagawa nitong test sa power lab hindi naman bumaba ang konsumo sa kuryente

Sa pagaaral ng Meralco, maaaring makadagdag pa sa konsumo ng kuryente kapag gumamit ng power saver

Ayon sa Meralco, walang ibang pinakamabisang paraan upang mabawasan ang bayarin kundi ang magtipid sa paggamit ng kuryente

Ang mga appliance na hindi binubunot sa saksakan, mayroon pa ring stand by power, maaaring umabot ng 300 pesos kada buwan kung hindi bubunutin sa saksakan ang mga appliance

Ang aircon i-set sa komportableng temperatura na 22-25 degrees dahil kada adjustment ay mayroong 7% na dagdag sa bayarin

Sa lahat ng mga customer ng Meralco na may katanungan kung gaano kalaki ang nakokonsumong kuryente ng kanilang mga appliance maaaring magpa skedyul sa Meralco power lab

Tags: