MANILA, Philippines – Inilunsad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa pakikipagtulungan ng Mines and Geosciences Bureau, PAGASA at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA), ang Hazard Hunter web application na kung saan maaaring makita ang mga panganib sa isang lugar.
Layon nito na maihanda ang publiko at ang mga lokal na pamahalaan para maiwasan ang malaking pinsalang maaring maidulot ng mga kalamidad. May rekomendasyon din ang application sa maaaring gawing aksyon.
Ayon kay Department Of Science And Technology (DOST) Undersecretary at Phivolcs Oic Renato Solidum, sa pamamagitan ng hazard hunter ay makakapag plano na ang publiko at mga lokal na pamahalaan para maiwasang magkaroon ng malawakang pinsala at pagkawala ng buhay.
“Hindi Naman Masama Na May Hazards Dyan. What Is Important Is That The Hazard Is Recognized So That The Developer Can Develop Approaches To Lessen the impact, to mitigate the possible impact” ani Dost Undersecretary Renato Solidum.
Samantala, bago matapos ang taon ay posibleng ilabas na rin ng Phivolcs ang mobile application ng hazard hunter. Pagagandahin naman ng pamahalaan ang serbisyo ng internet sa bansa upang maka-access din ang nasa malalayong lugar.
(Rey Pelayo | Untv News)
Tags: DOST-PHIVOLCS, kalamidad