Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon na peace agreement sa pagitan ng Natinal Democratic Front of the Philippines o NDFP at pamahalaaan bago matapos ang taon.
Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa selebrasyon para sa anibersaryo ng Philippine Airforce kahapon sa Clark Airbase, Pampanga.
Ayon sa pangulo handa niyang magbigay ng safe conduct pass kay Communist Party of the Philippines Founder Joma Sison at maging sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.
Sa kabila nito ayon kay Pangulong Duterte, hindi pa siya handang pakawalan ang mga political prisoner.
Sa ngayon, nakikipagugnayan na rin ang pangulo sa ibang armadong grupo tulad sa Moro National Liberation Front o MNLF kaugnay ng usapang pangkapayapaan.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)