METRO MANILA – Nasa 97% na o 928 sa 953 third level officers ng Philippine National Police (PNP) ang nagsumite na ng kanilang courtesy resignation.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo nasa 25 na lamang na pulis ang hinihintay ng PNP na magsumite ng courtesy resignation hanggang sa katapusan ng buwan.
Karamihan aniya sa 25 ay mula sa Visayas at Mindanao na posibleng en route na din.
Kailangan kasi ay personal na dalhin ang original copy ng courtesy resignation sa camp crame at hindi maaaring sa email lamang.
Ang mga nagsumite ng courtesy resignation ay dadaan sa assessment at evaluation ng 5 man committee, saka dadalhin sa NAPOLCOM para sa kaukulang aksyon na syang irerekomenda naman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
(Lea Ylagan | UNTV News)