Malaking tulong para sa Land Transportation Office ng bawiin ng Korte Suprema ang temporary restraining order para sa mga license plates. Subalit nilinaw ng LTO na sa mahigit pitong daang libong plaka, nasa mahigit tatlong daang libong plaka na lamang ang kailangan nilang ipamigay sa Pebrero. Ang mahigit apat na raang libo ay napamigay na noon bago pa nailabas ng Supreme Court ang TRO.
Ayon sa LTO, kailangang hintayin ng mga may-ari ang kanilang tawag o text bago magtungo sa tanggapan at kumuha ng plaka.
Dapat dalhin ang mahahalagang dokumentong kailangan gaya ng kopya ng official receipt at certificate of registration at isang valid ID.
Subalit ayon sa LTO, ang 700,000 na plaka ay parte lamang ng napakaraming nakabinbin pang plaka na kailangan ma-imprenta.
Sa ngayon ay hindi pa rin lifted ang notice of disallowance na inisyu ng Commission on Audit laban sa LTO, ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi makapag-isyu ng bagong plaka ang LTO.
Positibo naman si Asec. Galvante na mali-lift na rin ang notice of disallowance at makakapag impreneta na sila ng mga plaka.
( Mon Jocson / UNTV Correspondent )