Mga pirated dvd at pekeng produkto, sinira sa Camp Crame

by Radyo La Verdad | June 22, 2015 (Monday) | 2222

PIRATED DVD
Sinira nang pinagsanib na pwersa ng PNP, DOJ, NBI at National Committee for Intellectual Property Rights ang milyong halaga ng mga pekeng produkto na nakumpiska ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan.

Kabilang sa mga ito ang pirated dvds, signature eye glasses, branded back packs, make up, sapatos , pouches, mga libro at diamond cutting wheels.

Ayon kay National Committee for Intellectual Property RIGHTS OIC Atty. Allan Gepty, bagamat wala na sa priority watch list ang Pilipinas dahil sa pagkakaroon ng mga counterfeit products ay nais nilang ipakita na seryoso ang pamahalaan sa paglaban sa pamamayagpag ng mga pekeng produkto sa bansa.

Bukod sa pagkumpiska ng mga pekeng produkto, kailangan din ng puspusang information campaign sa masamang epekto sa ekonomiya ng pamemeke ng mga produkto.

Tags: