Mga Pinoy, umaabot sa 100,000 metric tons ang iniinom na kape kada taon

by Radyo La Verdad | March 21, 2018 (Wednesday) | 3626

Walang duda na karamihan sa mga Pinoy mahilig at nakaasa sa kape upang magising.

Sa katunayan, umaabot sa 100,000 metric tons ang iniinom na kape ng mga Pinoy kada taon.

Kaya naman iba’t-ibang coffee shops na tila kabute na ang nagsusulputan. Patuloy pa ring itinataguyod ang industriya ng kape sa bansa.

Kaya naman nagsagawa ang Department of Agriculture at Department of Trade and Industry ng 3rd Philippine Coffee Conference kung saan aabot sa 800 na mga magsasaka ng kape, stakeholders at private sectors.

Tag-init man o tag-araw walang pinipiling panahon ang mga Pinoy sa pag-inom ng masarap na kape.

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa BMJ medical journal, ang mga taong umiinom ng kape ay 19% na mas mababa ang tsansa na mamatay sa heart disease at 18% na mas mababa ang tsansa na magkaroon ng cancer kumpara sa mga hindi umiinom ng kape.

Pero lahat ng sobra ay hindi naman maganda. Batay sa iba’t-ibang pag-aaral, ang high dose ng kape ay maaaring maka-damage ng atay, makapagpataas ng blood pressure at iba pa.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,