Mga Pinoy, mas ligtas ang pakiramdam sa kanilang komunidad batay sa 2018 Gallup Law and Order Survey

by Radyo La Verdad | June 13, 2018 (Wednesday) | 7772

Batay sa survey, nakakuha ng 82 points ang Pilipinas at nasa pang-apatnapu’t walong pwesto sa mga bansa sa buong mundo.

Ibig sabihin nito ay mas kampante ang mga Pilipino sa lokal na pulisya ngayon at mas ligtas ang kanilang pakiramdam na maglakad sa kalsada sa gabi.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Senior Superintendent  Benigno Durana, iba ito sa global peace index kung saan pangatlo ang Pilipinas sa pinaka delikadong bansa sa mundo.

Paliwanag pa ni Durana, ang Gallup survey ay bumabase sa kaligtasan ng mga mamamayan sa araw araw o kung hindi nabibiktima ng karahasan, habang sa Global Peace Index naman ibinilang ang Marawi siege.

 

Tags: , ,