Mga Pinoy, kanya-kanyang hugot sa sama ng panahon

by Radyo La Verdad | July 19, 2018 (Thursday) | 7277

Dahil sa malakas na ulan na nararanasan ng bansa mula pa noong mga nagdaang araw, marami sa ating mga kababayan ang naapektuhan at ang ila’y nalubog pa sa baha. Gayunpaman, subok na ng panahon ang pagiging positibo at cool ng mga Pinoy.

Kaya naman kasabay ng pagbuhos ng ulan, bumaha rin ng witty posts sa social media tulad ng mga hugot.

Para sa mga umaasa, “buti pa ang ulan nafa-fall sa akin, ikaw kaya kailan”? Hugot naman ng mga nasaktan, “sana payong na lang ako para pagsisihan mong iniwan mo ako”.

Kung ikaw naman ay single at kung nilalamig ka, “magkape ka na lang, tutal wala namang yayakap sa iyo”.

At syempre, ang paboritong advice, “stay safe; kahit hindi ka na mag-stay, maging safe ka lang.”

Hugot naman ng mga estudyante, ang class suspension ay tulad din daw ng love, hangga’t maaga pa ay sabihin na para wala nang masaktan sa kakaasa.

Speaking of class suspension, viral ang post ng isang estudyante dahil late daw nakansela ang kanilang klase at dahil basang basa na siya sa byahe sa lakas ng ulan, pinili na lamang niyang magbanlaw sa swimming pool.

Samantala, may mga estudyante naman na nagbangka para safe, pero lulusong din pala sa baha. Agaw atensyon din si kuya na enjoy na enjoy sa mistulang indoor pool sa kanyang bahay.

Ang mga ito ay patunay lamang ng pagiging resilient ng mga Pilipino.

Gayunpaman, dapat pa rin tayong mag-ingat at huwag ipagwalang bahala ang mga panganib na maaaring idulot ng masamang panahon at ng baha.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,