Mga piloto ng bumagsak na military plane sa Bataan, highly experienced

by Radyo La Verdad | January 27, 2023 (Friday) | 3473

METRO MANILA – Hindi baguhan ang mga piloto ng bumagsak na military plane sa Pilar Bataan nitong Miyerkules (January 25).

Ang paglipad ng mga ito ay bahagi ng kanilang recurrency training para mapanatili ang proficiency ng mga piloto.

Ayon kay Philippine Airforce Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, well decorated at highly experienced ang 2 piloto.

Ito aniya ang posibleng dahilan kung bakit pinili ng 2 na huwag abandonahin ang pabagsak na aircraft kahit mayroong magagamit na parachute ang mga ito upang makaligtas sa insidente.

Inamin din ni Col. Castillo na bagamat luma na ang SF-260 turbo prop aircraft, well maintained naman ito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng airforce sa sanhi ng pagbagsak ng kanilang aircraft.

Tags: ,