Mga pilipinong nasa Thailand, patuloy na pinag-iingat ng DFA

by Radyo La Verdad | August 19, 2015 (Wednesday) | 1237

DFA
Wala pang nakikitang dahilan ang Department of Foreign Affairs upang maglabas ng travel alert status sa Thailand dahil sa pagsabog doon nitong lunes.

Sa kabila nito, nanawagan si DFA Spokesperson Charles Jose, sa mga pilipino na nasa Thailand na manatiling maging alerto at iwasan munang magtungo sa mataong mga lugar.

Kahapon kinumpirma ng DFA na may isang pilipina na nasaktan sa pagsabog sa Bangkok at ito ay nasa mabuti nang kalagayan sa ngayon.

Patuloy rin na bineperipika ng Pilipinas kung mayroon ngang pilipino na nasawi sa naturang pagsabog .

Samantala, tiniyak naman ng AFP na walang banta ng terorismo sa Pilipinas.

Bagaman inatasan na din ng pamunuan ng AFP na maging mas mapagmatiyag sa seguridad ang mga tropa ng militar.

Una nang sinabi ng Philippine National Police na nakaalerto ang kanilang hanay kasunod ng nangyaring pagsabog sa Thailand. (Nel Maribojoc/ UNTV News)

Tags: