METRO MANILA – Batay sa panibagong survey result ng Social Weather Stations (SWS), bahagyang bumaba sa 28% na mga Pilipino ang nagsasabing gumanda ang kalidad ng kanilang pamumuhay, kumpara sa 33% survey result noong June hanggang July.
Umakyat naman sa 30% ang nagsasabing lumala ang kalidad ng kanilang buhay at 41% ang nagsabing walang pagbabago sa kanilang pamumuhay sa nakalipas na 1 taon.
Samantala,1 naman sa 10 pamilyang Pilipino ang nakararanas ng ‘involuntary hunger “ sa 3rd quarter ng taon.
Batay sa survey, 9.8% ng mga Pilipino ang naranasan ang involuntary hunger o nakaranas ng gutom o 1 beses na walang halos makain sa nakalipas na 3 buwan.
Bahagya naman itong bumaba mula sa 10.4% na naitala noong Hunyo.
Isinagawa ang bagong survey noong September 28 hanggang October 1 sa 1,200 adult respondents.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: SWS