Mga Pilipino sa Russia, patuloy pa ring pinag-iingat    

by Radyo La Verdad | June 27, 2023 (Tuesday) | 18950

Wala sa mga Pilipino ang nadamay sa tensyon na nangyari sa ilang lugar sa Russia partikular sa Rostov-on-Don na sinakop ng Russian paramilitary wagner group.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, patuloy ang kumonikasyon ng embahada ng Pilipinas sa sampung Pilipino na kasalukuyang nakatira sa Rostovondon.

“ ’yung Rostov, yung kinukuha ng wagner group konti lang yung Pilipino doon labing-isa o sampu lang kaya lahat nakikipagugnayan ‘yan sa embahada na safe sila,” ani Usec. Eduardo de Vega, DFA.

Noong Sabado, June 24, napaulat na sinakop ng wagner group ang Rostovoondon na isa sa pinakamalaking lungsod sa southern Russia.

Ito ay kasunod ng umano’y pang-aatake ng Russian military sa mga tauhan ng private mercenary wagner group na pinamumunuan ni Yevgeny Prigozhin.

Agad naghain ang National Anti-terrorism Committee ng Russia ng kasong kriminal laban kay Prigozhin dahil sa mga paratang at pag-uudyok nito sa armadong rebelyon.

Ngunit kamakailan lang, nagkasundo ang dalawang paksyon na hindi na itutuloy ng Russian government ang pagsasampa ng reklamong pagtataksil laban kay Prigozhin, at magtungo na lamang sa Belarus dahilan ng paghupa ng tensyon.

Sa panayam ng UNTV news sa ilang Pilipinong nakatira sa Moscow Russia na naghigpit din ng kanilang seguridad, nasa maayos naman ang kanilang sitwasyon doon.

Pero kahit pa man, humupa na ang tensyon sa lugar, ayon kay usec. De Vega hindi pa rin titigil ang pamahalaan sa pagmu-monitor sa sitwasyon sa lugar at kalagayan ng  Overseas Filipino Workers doon.

pinapayuhan ng DFA at ng embahada ng Pilipinas ang mga pilipino sa russia na maging mapag-matyag at umantabay pa rin sa mga abisong ilalabas ng Philippine embassy.

Pinaiiwas rin ang mga ito sa matataong lugar gayundin sa pakikilahok sa mga demonstrasyon at huwag mag-post ng anomang political comments sa social media na hindi kumpirmado.  Maging sa pagbiyahe sa ibang rehiyon kung hindi naman kinakailangan.

Sa tala ng Department of Foreign Affairs, nasa sampung libong mga Pinoy ang naroroon ngayon sa Russia at siyamna libo nito ay nakatira sa moscow.

Janice Ingente/UNTV News

Tags: , ,