METRO MANILA, Philippines – Sino nga ba ang makalilimot sa mga hinahangaang Basketbolistang naglaro noong dekada 80, 90, at early 2000s?
‘Di maitatangging hanggang ngayon, maraming taon man ang lumipas, sila ay patuloy na minamahal at tinitingala ng kanilang mga tagahanga.
Nariyan ang ilang mula’t sapul ay bukod sa pagsubaybay sa laro ng Favorite player at team, ay may koleksyon po ng mga memorabilia.
Bakit nga ba kahit matatanda na ang mga PBA Legends ay pinanonood pa rin sila ng mga Pinoy?
“Ang mga PBA Legend na iyan, pundasyon na iyan eh. Naging pundasyon iyan ng PBA, so whatsoever na dumarating na bago, still the Legends,” ani PBA Legends Fan, Jerry Perez.
“Kasi nakita naman namin noon pa kung gaano sila maglaro, kung gaano sila ka-energetic at kung gaano sila kahuhusay maglaro,” ayon kay PBA Legends Fan, Gil Apinado.
“Ang pagtanda nila ay lalo sila yatang bumilis at lumakas sa ngayon. They are inspired of coming back to the court,” ani PBA Legends Fan, Roberto Rodrigo.
At para naman sa mga itinuturing nang pundasyon ng Philippine Basketball, nanatili ang pasasalamat nila sa mga Pilipinong nagpakita ng kanilang suporta mula noon hanggang ngayon.
“Siguro maybe noong active kami before may mga fans na siguro and I’m so thankful for them up to now nandoon pa rin ang support nila so it’s an overwhelming experience sa mga fans, so maraming maraming salamat sa kanila,” sinabi ni PBA Legend, Purefoods Member, Bong Ravena.
“It’s amazing that some people recognize us. Pagdating namin dito may mga nakakarecognize pa rin sa amin because so much have changed from the last time kami na naglaro,” ayon kay PBA Legend, Alaska Member, Jojo Lastimosa.
“We all know that filipinos love basketball. So nasa heart talaga natin ang basketball. When it comes to mga pba legends na nakakasama namin, sila talaga ang nag-start ng basketball sa pilipinas, so syempre nami-miss ng mga nanay, tatay, pati ng mga anak ang mga laro ng mga pba legends,” pahayag ni PBA Legend, Alaska Member, Willie Miller.
At dahil sa hilig sa Basketball at sa tindi ng suporta, ito ang naibulalas ng isang PBA Legends Fan.
“Minsan kapag natatalo ang Ginebra ayokong makikitang matatalo eh. Hindi ako makatulog. Mahirap. Kapag alam kong malakas ang kalaban ng Ginebra hindi ko pinapanuod eh. Tinitingnan ko na lang paunti-unti eh. Kapag lamang nang kaunti ang Ginebra…Ayos pwede pa!” Ayon kay Ginebra fan, Toby Sanchez.
“Huwag naman, tulog ka pa rin para the next game, makapanood ka,” payo dito ni Bal David.
Tags: PBA, PBA Legends, UNTV Cup