Mga Pilipino, iba-iba ang pananaw sa estado ng ekonomiya ng bansa

by Radyo La Verdad | December 26, 2017 (Tuesday) | 6772

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority, lumago ng 6.9% ang ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter ng 2017.

Nakapagtala ng 6.5% GDP growth noong second quarter ng taon habang 6.4% naman sa unang bahagi ng taon.

Sa buong taong ito, target ng economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 6.5% hanggang 7.5% economic growth para ma-maintain ang posisyon ng Pilipinas bilang isa sa mga fastest-growing sa Asya.

Gayunpaman, hati ang pananaw ng mga ordinaryong Pilipino sa usapin kung ramdam nila ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Pero ayon sa ilang mga eksperto, inaasahang magiging maganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa ngayong 2018 lalo na sa industriya ng agrikultura.

Naniniwala rin ang isang economist na si Dr. Paul Lee na hindi lubhang makakaapekto sa ekonomiya ng bansa ang problema sa terorismo.

Makapagbibigay din ng kumpiyansa sa mga mamumuhunan ang pagpapalawig nng martial law sa Mindanao.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,