Mga Pilipino abroad hinimok na magparehistro para sa 2025 election

by Radyo La Verdad | January 2, 2024 (Tuesday) | 11873

METRO MANILA – Hinihimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga Pilipino sa ibang bansa na magparehistro para sa 2025 midterm election.

Sa social media post ng Comelec, ipinaalala ng commission na mula January 1, 2024 mayroon na lamang 273 days o hanggang sa September 30, 2024 para makapagparehistro ang mga overseas voters.

Kinakailangan lamang na dalhin ng mga magpaparehistro ang kanilang valid Philippine passport sa pinaka malapit na Philippine Embassy o Consulate General o sa idedesignate na registration centers sa Pilipinas.

Dagdag pa ng komisyon, sa naturang registration period, tatanggap din sila ng iba pang poll-related application tulad ng pag-a-update ng address at iba pang detalye at checking o reactivation ng voters registration status.

Tags: , , ,