Mga petisyong nakahain sa Comelec laban sa kandidatura ni Sen. Grace Poe sa pagkapangulo, hindi apektado ng desisyon ng S.E.T.

by Radyo La Verdad | November 24, 2015 (Tuesday) | 1917

ATTY.-GEORGE
Sa miyerkules itinakda ng Comelec 1st Division ang oral arguments kaugnay sa petisyon inihain ni dating Senador Francisco Kit Tatad at Professor Antonio Contreras laban sa kandidatura ni Senator Grace Poe sa pagkapangulo.

Ngayon lunes isinagawa ang marking of documents ng magkabilang partido.

Kumbinsido naman ang dalawang petitioner na walang epekto sa kanilang petisyon ang inilabas na desisyon ng Senate Electoral Tribunal na nagdismiss sa petisyon upang idiskwalipika si Poe sa pagiging senador dahil isyu ng kanyang citizenship.

Ayon kay Political Science Professor Antonio Contreras walang kaugnayan sa isyu ng citizenship ang kaniyang petisyon upang i-diskwalipika si Poe.

Para naman sa abugado ni dating Senador Kit Tatad, na si Attorney Manuelito Luna, walang epekto ang ruling ng S.E.T. sa kanilang petisyon dahil unang una depektibo ang desisyon partikular ang pasya ng limang senador na bumoto pabor kay Senator Poe.

Aniya mas kinatigan pa ng mga senador ang international laws kaysa sa konstitusyon ng Pilipinas.

Kahit ang dating College of Law Dean na si Attorney Amado Valdez, na naghain din ng bukod na petisyon laban kay Poe, naniniwala na hindi apektado ng S.E.T. ruling ang kaniyang reklamo.

Naniniwala naman ang abugado ni Senator Poe na bagamat hindi magiging basehan ng Comelec ang desisyon ng Senate Electoral Tribunal, nabura naman nito ang agam-agam ng ilan hinggil sa citizenship ng senadora.

“Lumakas din yung aming kaso dito sa Comelec. Lahat ng apat na kaso sinsasabi namin ngayon na kung ang Senate Electoral Tribunal nga nagsabi na kami ay natural born syempre yung Comelec sana naman ay makita din yung logic at yung naging dahilan po ng Senate Electoral Tribunal.” pahayag ni Atty. George Erwin Garcia abugadoni Sen. Poe

Giit nang abugado ng mambabatas pinakamatibay na argumento nila sa kaso ay hindi ang batas ng ibang bansa kundi mismo ang 1935 constitution kung saan saklaw nito si Senator Grace Poe.

Sinabi din ng abugado ni Poe na sa ngayon may tatlong set pa ng dna testing ang isinasagawa ng kampo ng mambabatas. (Victor Cosare/UNTV News)

Tags: , , , , ,