Hindi kinatigan ng Korte Suprema ang hiling na utusan ang Senado at Kamara na magdaos ng joint session at tingnan kung may sapat na basehan ang martial law declaration sa Mindanao.
Lahat ng labinlimang mahistrado ay sumang-ayon na i-dismiss ang magkahiwalay na petisyon ng grupo ni Senador Leila de Lima at dating Senador Wigberto “Bobby” Tañada.
Ayon sa Korte, obligado lamang na magdaos ng joint session ang Kongreso kung babawiin nila o palalawigin ang deklarasyon ng batas-militar.
Para naman kina Justices Marvic Leonen at Alfredo Benjamin Caguioa, moot and academic na o wala nang saysay ang mga petisyon.
Nagtapos na kasi ang animnapung araw na original na palugit ng martial law nitong July 22.
Nagpasya na rin ang Kongreso sa joint session nitong sabado na palawigin ang batas-militar sa mindanao hanggang sa December 31.
Tags: Kamara, Korte Suprema, Mindanao