Mga petisyon upang pigilan ang operasyon ng Uber at Grab car inihain sa LTFRB

by Radyo La Verdad | September 23, 2015 (Wednesday) | 1480

LTFRB
Kinuwestyon ng mga transport group ang Department Order ng DOTC na nag pahintulot sa operasyon ng mga transport network vehicle service gaya ng Uber at Grab car

Bunsod nito, ibat ibang petisyon ang inihain ng mga ito sa LTFRB upang pigilan ang operasyon ng mga TNS.

Ayon sa mga transport group, hindi patas ang DOTC at LTFRB pagdating sa pagtatakda ng pasahe sa jeep at taxi kumpara sa Uber at Grab.

Sa petisyon ng 1-UTAK, kinuwestyon nito ang legalidad ng surge pricing at fare matrix na ipinapatupad ng Uber

Wala umanong magpapatunay na inaprubahan ng LTFRB ang fare matrix, kung kaya’t dapat itong suspindihin

Sagot naman ng LTFRB, wala silang karapatan na kwestyunin ang Department Order na galing sa DOTC

Subalit ang Stop and Go Coalition, sa halip na dumulog sa LTFRB, dumiretso sa Quezon City Regional Trial Court upang magsampa ng kaso upang ipatigil o ipa T-R-O ang operasyon ng mga TNVS.

Naniniwala ang Stop and Go Coalition na mas mabilis maaaksyunan ang kanilang kaso kung hindi na ito padaanin sa LTFRB

Kinuwestyon ng grupo ang buong Department Order na nagle-legalize sa operasyon ng Uber at Grab

Maging ang pagbibigay ng prangkisa sa mga TNVS tinutulan ng grupo

Inirereklamo rin ng transport group ang malaking na lugi sa kanila simula ng mag operate ang Uber at Grab car

40% umano ng kita nila ang nawawala dahil sa kompetisyon sa mga TNVS.

Kung papabor ang Quezon RTC sa Transport Group, awtomatikong matitigil ang operasyon ng Uber at Grab car sa buong bansa. ( Mon Jocson / UNTV News)

Tags: ,