Mga petisyon nina senatorial candidate Francis Tolentino at ng anak ni former Laguna Gov. ER Ejercito, dinismiss ng Korte Suprema

by Radyo La Verdad | June 1, 2016 (Wednesday) | 1030

supreme court
Dalawang petisyon na may kinalaman sa katatapos na halalan ang dinismiss ng Korte Suprema dahil sa pagiging moot and academic.

Ibig sabihin, wala na ring magiging silbi anoman ang maging desisyon dito ng mataas na hukuman.

Isa dito ang petisyon ng natalong senatorial candidate at dating MMDA Chairman Francis Tolentino na humihiling sana na ipagpaliban ang proklamasyon ng tatlong nanalong senador na sina Sherwin Gatchalian, Ralp Recto at Leila De Lima.

Dinismiss din ng Supreme Court dahil sa kaparehong dahilan ang petisyon ng kampo ni dating Laguna Governor ER Ejercito.

Hinihiling sana ng kanyang kampo na alisin sa balota ang pangalan ng kanyang anak na si Jorge Antonio Ejercito matapos itong mag withdraw sa kandidatura bilang gobernador ng lalawigan.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: ,