Mga petisyon laban sa Marcos burial, didinggin sa oral arguments sa Miyerkules

by Radyo La Verdad | August 23, 2016 (Tuesday) | 1620

MARCOS-2
Dalawang petisyon ang inihain sa Korte Suprema upang tutulan ang pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani.

Pinangunahan ni dating Senador Heherson Alvarez ang isang grupo ng mga petitioner na nagsabing labag ito sa saligang-batas at Republic Act 289.

Malinaw anilang sinasabi sa batas na ang mga dapat lamang mailibing doon ay ang mga kaparat-dapat na tularan at gawing inspirasyon ng mga susunod na henerasyon.

Nagsagawa naman ng preliminary conference ang Korte Suprema upang isapinal ang mga isyung tatalakayin sa oral arguments sa miyerkules.

Inaasahang pagkatapos ng oral arguments ay magpapasya ang kataas-taasang hukuman kung pipigilan ang nakatakdang paglilibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani sa September 18.

(Roderic Mendoza/UNTV Radio)

Tags: