Mga pasahero sa paliparan na makukunan ng bala sa bagahe hindi na huhulihin – MIAA

by Radyo La Verdad | July 8, 2016 (Friday) | 16040
File Photo
File Photo

Hindi na kakasuhan at papayagan nang makabiyahe ang pasahero sa mga paliparan kung isang bala lamang ang mahuhuli sa kanyang bagahe.

Ayon sa Manila International Airport Authority, kukumpiskahin na lamang ang bala at may ilang dokumento na kailangang punan at pirmahan bago payagang makasakay sa eroplano ang isang pasahero na nahulihan ng bala.

Dagdag pa ni Ed Monreal, ang bagong General Manager ng MIAA, ito ay bilang solusyon sa isyu ng tanim bala na isa sa mga pinagmumulan ng korapsyon sa airport.

“Ang unang tatanggalin po natin doon ay ang alleged corruption hidni po natin binabalewala batas, kailangan lang pag-ibayuhin po natin ang nararapat sa ating manlalakbay.” Pahayag ni Monreal.

(UNTV RADIO)

Tags: ,