Mga pasahero sa bangka sa Boracay, obligado ng magsuot ng life jacket – Philippine coast guard

by Radyo La Verdad | June 15, 2018 (Friday) | 13103

Nakapagtala na agad ng dalawang aksidente sa dagat sa paligid ng Boracay Island mula ng pumasok na ang tag-ulan.

Noong nakaraang linggo ay isang pampasaherong bangka na padaong na sana sa isla ang lumubog dahil sa lakas ng alon.

At nito namang Martes ay isang 48 anyos na ginang ang nalunod matapos hamapsin ng malalaking alon ang bangkang sinasakyan nito patungong hambil sa San Jose Romblon.

Kaya naman muling pinaalalahanan ng Philippine coast guard ang mga may-ari ng bangka, mangingisda at mga pasahero na huwag ng bumiyahe kapag masungit ang panahon.

Binigyang-diin rin ng coast guard na obligadong magsuot ng lifejacket ang mga pasahero ng bangka.

Samantala, dahil sa sama ng panahon, pansamantalang inilipat sa Tabon Port mula sa Caticlan Port ang daungan ng mga sasakyang pandagat.

Ang mga pasahero naman sa Cagban, Boracay ay sa Tambisan Port muna pansamantala sasakay.

Sinabi pa ng coast guard na dapat manatiling nakabantay sa mga balita ang publiko tuwing may masungit na panahon.

 

( Vincent Octavio / UNTV Correspondent )

Tags: , ,