Mga partylist na magsusumite ng kanilang certificate of nomination and acceptance, inaasahang dadagsa ngayong araw

by Radyo La Verdad | October 15, 2015 (Thursday) | 1256

aiko_partylist
Kahapon ay naitala na ang kabuong 65 partylist groups na nakapagsumite ng kanilang Certicicate of Nomination and Acceptance dito sa palacio del gobernador.

Ilan sa mga kilalang personalidad na angsumite ng kanilang nominasyon kahapon ay sina Human Rights Lawyer Harry Roque para sa partylist na Kabalikat ng Mamamayan.

Si Rep Sherwin Tugna naman ang nagsumite ng certficate of nomination para sa kanilang partylist na Cibac.

Prayoridad ng Cibac partylist ang pagsusulong sa anti-dynasty law at ang freedom of information law.

Kasama din sa nagsumite kahapon na partylist ang Direct Vendors, Agents, Networking Circles and Entrepreneurs (Advance) Inc. Ag ang isa sa nominee nila ang dating MRT General Manager na si Al Vitangcol.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez mayroong 246 accredited Party List group ngayon ang Comelec.

Subalit hindi lahat ng ito ay makakasama sa halalan dahil ilan dito ay mayroon pang mga kaso at kasalukuyan pang nireresolba ng commission on elections.

Iaanunsyo ng Colemec bago ang Dec 10 kung sino ang mga party list group na maaaring makalahok sa 2016 elections.(Aiko Miguel/UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,