Nagpayo ang mga eksperto ng mga saving tips upang makapag-adjust ang publiko sa mga dagdag-presyo at singil ngayong 2018.
Ayon kay Roselle Reig na isang business at financial consultant, may mga simpleng bagay na kayang-kayang gawin ng sinoman upang makapag-tipid. Gaya ng kumain na bago umalis ng bahay at magbaon ng tubig upang hindi na kailangang gumastos sa labas.
Sa halip na sa mall o supermarket mamili, sa mga public market na lamang upang bawas gastos, at mag recycle kung kinakailangan.
Ayon naman sa ekonomistang si Wilson Lee Flores, mahalaga pa rin ang mag-ipon bagamat nakikita niyang gaganda ang ekonomiya ng bansa ngayong 2018.
Pero ayon kay Ms. Roselle, hindi dapat matapos sa pag-iipon ang pera kundi dapat ay lumalago ito. Mararamdaman na ng publiko ngayong taon ang epekto ng dagdag buwis na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak naman ng mga mambabatas na gumagawa sila ng paraan upang maibsan ang mga dagdag bayarin at gastos sa pamamagitan ng mga programang makatutulong sa mga mahihirap nating kababayan.
( Mon Jocson / UNTV Correspondent )
Tags: DAGDAG PRESYO, eksperto, saving tips