Mga paraan sa inspection ng mga container sa Bureau of Customs inimungkahi ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon

by Radyo La Verdad | August 11, 2017 (Friday) | 1863

10-libong container ang dumarating sa Bureau of Customs araw araw. Sa dami, imposible nang maisailalim ito isa-isa sa physical inspection at verification.

Sa programang Get it Straight with Daniel Razon kanina, ilan sa panukala ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon upang maiwasan ang smuggling at shipment ng mga ilegal na droga ay ang pre-shipment inspection. Dapat aniya ay sumailalim na sa masusing inspeksyon ang mga kargamento sa bansang panggagalingan bago pa man ito ibiyahe.

Ang declaration ng importer di naman lahat subject to 100% inspection. Kailangang din aniyang dagdagan ang mga x-ray machine sa loob ng BOC.

Ang problema lang ay limitado ang space kung saan ito posibleng ilagay. Isa rin sa nakikitang posibleng gawin upang masolusyunan ang problema sa customs ay ang tuluyang pagbuwag dito at pagbuo ng isang bagong ahensya.

Samantala sa gitna ng isyung kinakaharap ngayon ng BOC, naniniwala si Rep. Biazon na may dapat managot sa kapabayaang ito. Subalit hindi umano ito sapat na dahilan para alisin sa pwesto si BOC Commissioner Nicanor Faeldon.

 

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,