Metro Manila, Philippines – Nagkasundo na, sa pamamagitan ng pagpirma, ang Department of Agriculture (DA) , National Economic and Development Authority (NEDA) at ang Department of Budget and Management (DBM) sa pinal na balangkas ng panuntunan o Implimenting Rules and Regulations (IRR) ng rice tariffication law.
Sa pamamagitang ng Republic Act 11203 ay luluwag na ang importasyon ng bigas sa bansa kapalit ng pagpapataw ng taripa na 35-50%. Hindi na kailangang kumuha ng permiso mula sa National Food Authority (NFA) ang mga importer dahil inalis na ito sa tariff law.
Kinakailangan na lamang kumuha ng import clearance mula sa Bureau of Plant Industry. Sa paniwala ng NEDA, bababa ng 7 piso ang presyo ng bigas sa merkado sa pamamagitan ng bagong batas.
Pinangangambahan naman ng mga magsasaka, na bababa ang kanilang kita dahil bababa din ang presyo ng palay.Naglaan naman ang pamahalaan ng 10 bilyong piso kada taon bilang ayuda sa mga magsasaka na ang malaking bahagi ay para sa makinarya sa pagsasa at binhi.
Giit naman ng pamahalaan, may kapangyarihan ang presidente na ipatigil ang importasyon kapag nakikitang sobra na ang supply ng bigas sa merkado.
Samantala, inalis naman sa NFA ang pag-aangkat ng bigas at sa lokal na magsasaka na lamang sila maaaring bumili.
Tags: Rice Tariffication Law, Department of Agriculture,
National Food Authority, National Economic and Development Authority, Department of Budget and Management.
Tags: Department of Agriculture, National Economic and Development Authority, National Food Authority, Rice Tariffication Law
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com