Mga panukalang batas upang gawing ‘economic sabotage’ ang agricultural at rice smuggling, isinusulong sa Senado

by Radyo La Verdad | May 19, 2015 (Tuesday) | 1329

SEN_VILLAR_052015

Isang panukalang batas ang isinusulong ngayon sa Senado na naglalayong ideklarang economic sabotage ang ginagawa ng mga negosyante na paggamit sa mga koperatiba upang makapagpuslit ng mga produktong agrikultural lalo na ang bigas sa bansa.

Bagamat may Tariff and Customs Code of the Philippines na nagpaparusa sa mga smuggler, nakakalaya pa rin ang mga ito dahil nakakapag-piyansa.

Ngunit sa ilalim ng Senate Bill 2-7-6-5 o ang Anti Agricultural Smuggling na panukala ni Senador Cynthia Villar ay papatawan ng parusang katumbas ng aggregate amount ng tax, duties at iba pang charges ang nagkasala

kabilang dito ang pagkumpiska sa smuggled articles, kanselasyon at pagpapawalang bisa sa business license, import permits, at iba pang dokumento sa importation at perpetual disqualification para mag import ng agricultural products.

Ayon naman kay Senador JV Ejercito na may-akda ng Senate Bill 2-0-82 o ang Anti-Rice Smuggling Act kailangang parusahan ang mga smuggler sa sektor ng agrikutura hindi lamang para sa mga magtatanim kundi para sa ikabubuti ng ekonomiya ng bansa. (Bryan de Paz / UNTV News)

Tags: , , ,