Inilatag ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Laura del Rosario ang mga pangunahing layunin ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ngayong taon sa Senior officials meeting sa Boracay.
Isa na rito ang pagpapalakas ng Small and Medium Enterprises o mga maliliit na mga negosyo na kahit na makakatulong sa pagtaas ng National revenues
Ayon kay Del Rosario mahalaga rin ang paggamit ng modernong tekonolohiya gayundin ang edukasyon at akmang training upang umunlad ang isang bansa.
Ngunit kailangan ang maayos na pagpapatupad ng sistema ng pamahalaan upang maisulong ang mga programang malaki ang mga maitutulong sa bawat sektor ng lipunan. ( Joyce Balancio / UNTV News )
Tags: APEC, Department of Foreign Affairs Undersecretary Laura del Rosario