Lokal na pamahalaan ng Cavite at Batangas, maagang pinalikas ang mga pamilyang nasa mababang lugar bago pa man manalasa ang bagyong “Rolly”

by Erika Endraca | November 1, 2020 (Sunday) | 26198

Inilikas na ng lokal na pamahalaan ng Tanza, Cavite ang 262 pamilya na nakatira sa tabing dagat.

Ito’y bunsod ng paalala ng pagasa na huling hahagupit si bagyong rolly sa lugar ng Batangas at Cavite habang papalabas ito ng bansa.

Kasalukuyang nasa evacuation centers ang mga pamilyang inilikas ayon kay Mayor Yuri Pacumio.

Nagsagawa naman ng paunang paglikas ang Philippine Red Cross (PRC) Batangas Chapter Emergency Response Unit at Batangas City Disaster Risk Reduction and Management Office bilang paghahanda sa paghagupit ni bagyong Rolly ngayong gabi (Nov. 1).

Samantala, handang handa naman ang Bacoor Disaster Risk Reduction and Management team para sa mga posibleng search and rescue operations sa kanilang lungsod.

(Beth Pilares | La Verdad Correspondent)

Tags: ,