Problemado naman ngayon ang maraming magsasaka sa Talavera, Nueva Ecija matapos sirain ng pesteng hopperburn o hanip ang kanilang mga palayan.
Ayon sa mga magsasaka, tuwing sasapit ang dry season ay umaani sila kada ektarya ng hanggang isandaan at dalawampung kaban ng hybrid rice ngunit nang maminsala ang peste noong Marso ay nabawasan ang kanilang ani ng hanggang limampung porsyento.
Problema rin nila kung paano papatayin ang mga insekto dahil tila hindi ito tinatablan ng anomang uri ng pesticide.
Sa ulat ng Municipal Agriculture Office, tatlumpu’t apat na barangay na ang apektado ng peste kabilang na ang Barangay Sibul, Bantug Hascienda, at Calipahan na pinakamatinding naapektuhan ng hopperburn.
Tags: 34 barangay sa Talavera, Mga palayan, pesteng hopperburn o hanip
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com