Mga paglindol sa bulkang Taal humina na pero magma nito malapit na sa ibabaw ng bulkan – Phivolcs

by Erika Endraca | January 23, 2020 (Thursday) | 19351

METRO MANILA – Wala nang mga pagsabog na naitala sa taal volcano simula Kahapon ng umaga (January 22).

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) bumaba na rin ang binubuga nitong sulfur dioxide. Pati volcanic earth quake nabawasan na rin.

Pero ayon sa PHIVOLCS, hindi ito sapat na basehan para ibaba ang alert level ng bulkan lalo’t malapit na umano sa surface o ibabaw ang magma ng bulkan.

“itong mga earthquakes na ito ay unti unti na silang nagdiminish pati yung mga low frequency events pero hindi ibig sabihin ay kampante na tayo” ani PHIVOLCS  VMEPD, Chief, Ma. Antonia Bornas

Kapag nagtuloy tuloy umano ang pagbaba ng aktibidad ng bulkan posibleng ibaba na rin nila ang alert level nito.

“Ibababa po naman po natin ang alert level after masiguro po natin ang probabilities for an eruption ay mababa na kumbaga acceptable na po yung propabilities” ani PHIVOLCS  VMEPD, Chief, Ma. Antonia Bornas.

Samantala sa ngayon nananatiling walang pasok sa bung probinsya ng Batangas. Pero pinag-aaralan na rin ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na maibalik ang pasok sa kolehiyo sa mga lugar na hindi naman sakop ng lockdown at hindi rin pasok sa 14 Kilometer danger zone.

(Grace Doctolero | UNTV News)

Tags: ,