Mga pabrika sa Valenzuela City na nakitaaan ng mga paglabag, binigyan na ng ultimatum ng DOLE

by Radyo La Verdad | June 18, 2015 (Thursday) | 1901

DOLE
Upang hindi na maulit ang trahedya sa nasunog na pabrika ng Kentex sa Valenzuela City na ikinasawi ng pitumput pitong manggagawa ,inatasan na ng Department of Labor and Employment ang mga pabrikang katabi nito na baguhin o itama na ang kanilang sistema at pasilidad na naayon sa regulasyon.

Sampu hanggang siyamnapung araw ang ultimatum ng DOLE sa 42 establisiymento na nakitaan ng paglabag sa General Labor Standards at Occupational Safety and Health Standards.

Ayon sa Task Force Valenzuela, karamihan ng mga manggagawa sa mga ininspeksiyon na pabrika ay tumatanggap pa rin ng sahod na mababa sa minimum wage na P481 kada araw.

Hindi rin nagre-remit sa SSS, Philhealh at Pagibig at hindi rin binabayaran ang paid leave, overtime pay, regular holiday pay, cola, at iba pa.

Bagsak din sa evalutaion ng Task Force Valenzuela ang mga pabrika pagdating sa Occupational Safety and Health Standards.

Wala ring fire exit ang mga pabrika, o kung mayroon man ay may nakaharang, walang sprinklers, walang first aid kit at emergency medicine na nakahanda, walang regular na electric wiring inspection, fire drills, at iba pa.

Tags: ,