Mga paaralan na gagamiting voting centers sa araw ng halalan sa Iloilo City, inihahanda na rin ng DEPED at COMELEC

by Radyo La Verdad | May 4, 2016 (Wednesday) | 1914

deped-facade
Bukod sa paghahatid sa Vote Counting Machines at iba pang election paraphernalia at pagsasanay sa mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors ay inihahanda na rin sa Iloilo City ang mga eskuwelahan na gagawing polling centers sa Mayo a-nueve.

Ayon sa Department of Education-Iloilo at COMELEC, sa 62 paaralan boboto ang mahigit sa 261,000 registered voters sa lungsod sa darating na Lunes.

Ang mga principal at district supervisors ang itinalaga ng COMELEC na magpapatupad ng kaayusan at mga do’s and don’ts sa mga presinto.

Sila rin ang reresolba sa problema ng mga botante at makikipag-ugnayan sa PNP hinggil sa isyu ng seguridad sa kanilang assigned areas.

Maglalagay din ang COMELEC ng voters assistence centers sa mga paaralan sa araw ng halalan.

Babantayan rin nila ang mga presinto kung may mga botante na maglalabas ng resibo at gagamit ng cellphone na kabilang sa mga ipinagbabawal.

Ipinaskil na rin sa mga paaralan ang listahan ng mga botante at pinalinis ang paligid na ito para sa inaasahang pagdagsa ng ating mga kababayan sa botohan sa Lunes.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,