MANILA, Philippines – Naka-code white alert na ang lahat ng opsital sa Metro Manila simula noong Lunes hanggang sa Huwebes, Enero 10. Ito ay kaugnay ng pagdagsa ng mga tao para sa prusisyon sa Quiapo.
Kapag nakataas ang code white alert ibig sabihin nakahanda ang lahat ng doktor, nurse at iba pang staff ng ospital para sa emergency situation. Kanselado rin ang leave ng mga ito at naka-on call status.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, labing tatlong medical teams ang kanilang ilalagay sa mga istasyong dadaaanan ng Traslacion.
Tags: Code White Alert, Health Secretary Francisco Duque III, Metro Manila, traslacion 2019