Mga ospital sa ilang rehiyon sa bansa, nakataas sa Code White at Blue Alert ngayong long holiday

by monaliza | March 29, 2015 (Sunday) | 2868

HOSPITAL

Nakataas ngayon ang Code White at Blue alert sa mga ospital sa ilang rehiyon sa bansa ngayong long holiday ayon sa Department of Health.

Batay sa ulat ng DOH, ang mga lugar na nakataas ang Code White Alert ay ang mga lalawigan ng Cagayan Valley, ang mga probinsya sa rehiyon ng MIMAROPA habang nakataas naman ang Blue Alert sa buong Cordillera region.

Ang paglalagay ng DOH sa Code White at Blue Alert ay dahil sa pagdagsa ng mga tao sa iba’t ibang probinsiya dahil sa long holiday.

Paliwanag ng DOH, kapag nasa Code White Alert, inoobliga ang buong hospital staff na nakatira sa hospital dormitory na maging on-call o handa para sa mabilisang pagresponde sa mga kaso. Habang sa Code Blue Alert naman, kalahati lamang ng health facilities sa mga apektadong lugar ay nakaalerto.

Ayon sa DOH, nakahanda na ngayon ang mga gamot habang ang mga emergency medical teams ay naka-antabay na para sa anumang sakuna.

Tags: , , , , , ,