Umabot na sa limang daan at walumpo ang na admit na dengue patients sa Benguet General Hospital simula noong Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Ayon kay Dr. Maria Imelda Ulep, Chief of Hospital III ng Benguet General Hospital isang daan at limampung bed lamang ang kaya ng ospital na i-accomodate na mga pasyente.
Itinayo ang mga field tent sa gymnasium ng La Trinidad katulong ng lokal na pamahalaan ng Benguet at Philippine Red Cross.
Naglagay na rin sila ng basic health care unit at dengue fast lane.
Ayon kay Doctor Ulep kayang i- accomodate ng mga tent ang 60 hanggang 100 pasyente.
Sa ngayon nasa labing tatlo pa lamang ang nakaconfine sa field tent ang 10 dito ay inobserbahan pa.
Sa tala ng Provincial Health Office sa 3, 488 na dengue cases sa Cordillera Administrative Region o CAR, pinakamarami ang naitala sa Benguet na umabot sa 1,493, sunod ang Baguio city na nakapagtala ng 1,199 kaso.
Dahil dito patuloy ang paghikayat ng DOH Benguet na gumamit ng long sleeves na damit, mosquito net, insect repellant lotion at iba pang panlaban sa dengue.
(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)