Mga opisyales ng BOC na umanoy tumatanggap ng tara o suhol , itinuro at pinangalanan ng Customs broker na si Mark Ruben Taguba II

by Radyo La Verdad | August 7, 2017 (Monday) | 1524

Halos 30-libong piso umano ang pinaghatihatian ng mga opisyales ng BOC sa kada isang container kaya nailabas nang mabilis ng Customs Broker na si Taguba ang container na pinaghihinalaang naglalaman ng mahigit  600-kilo ng shabu na nakumpiska sa Valenzuela City.

10-libo sa import assesment service, 3-libo sa port collector, 2-libo intelligence group at 1-libo sa xray.

Tag-lilimang daan sa direktor at Deputy Director ng Customs Intelligence and Investigation Service, Enforcement and Security Services Director at Commander at Formal Entry Division. 200-piso naman sa pier inspector, habang may 7,500 pa umano na ibinibigay sa section-15. Subalit tahasan naman itinanggi ng mga opisyales ang akusasyon ni Taguba.

Ayon pa kay Taguba matagal na itong nangyayari sa BOC at hindi nawawala kahit ilang beses nang nagpalit ang administrasyon.

 

Pinadadalo naman ng kongresista sa susunod na pagdinig ang mga pangalang binigay ni taguba na umanoy inaabutan nya ng pera.

 

 

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,