Mga opisyal ng United Nations mag-iinspection sa Leyte provinces upang tingnan ang lagay ng rehabilitation sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda

by Radyo La Verdad | September 13, 2015 (Sunday) | 1244

JEN_-Wahlstrom
Maglilibot ngayong araw sa Tanauan, Palo at Tacloban city sa Leyte si United Nations Special Representative of the Secretary General for Disaster Risk Reduction Margarita Wahlstrom.

Ito ay upang mag inspeksyon sa isinasagawang reconstruction at rehabilitation ng mga u-n agency sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Wahlstrom, ayaw nilang maulit ang nangyari sa reconstruction at rehabilition process sa mga sinalanta ng hurricane Katrina sa United States na hanggang ngayon hindi parin natatapos.

Nililibot na nila ang mga ibat-ibang bansa na nakaranas ng matinding kalamidad kagaya ng Leyte upang tingnan kung gaano ka kabilis at kabisa ang reconstruction at rehabilitation process hindi lamang sa mga infrastracture at buildings kundi maging sa kalagayan ng mga tao.

Samantala, hinikayat naman ni Wahlstrom ang government authorities at iba’t ibang institusyon na paghandaan ang magiging epekto ng climate change kagaya ng el nino phenomenon at the big one.

Aniya, ngayong may alam na mga Pilipino sa maaaring mangyari dapat magkaroon ng anticipation at magkatulong-tulong ang mga mamayan at otoridad para gumawa ng isang mabisang estratiya upang maiwasan ang matinding pinsala gaya ng nangyari noong pananalasan ng bagyong Yolanda.

Kailangan din umanong bantayang mabuti ang posibleng maging problema sa basura sa bansa na dala ng pagdami ng tao

Hinikayat nya ang mga city government na ngayon palamang gumawa na ng mitigation plan para sa problemang maaaring maidulot nito sa hinaharap.(Jennylyn Gaquit/UNTV Correspondent)

Tags: ,