Dumalo sa kauna-unahang pagkakataon sa anibersaryo ng Philippine Air Force si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.
Sa kaniyang talumpati ipinangako niya sa Armed Forces of the Philippines ang pagpapatuloy ng modernization program sa bagong administrasyon.
Naging sentro rin ng naging talumpati ni Pangulong Duterte ang kampanya ng administrasyon laban sa ilegal na droga, kriminalidad at korapsyon.
Ayon kay Pangulong Duterte isa itong seryosong problema na dapat na masolusyunan.
Pinangalanan rin ng pangulo ang mga opisyal ng Philippine National Police na umano’y sangkot sa ilegal na droga.
“And I’d like to name publicly: General Marcelo Garbo, he was a protector of the drug syndicates in this country; General Vicente Loot, who is now the Mayor of Cebu in one of the municipalities of Cebu; General Diaz, the former Regional Director of Region 11; General Pagdilao, former Regional Director NCRPO (National Capital Region Police Office), General Tinio, former QCPD Director.” Pahayag ni Pangulong Duterte
Ayon sa Pangulo, obligasyon niya sa mga Pilipino na sabihin ang katotohanan.
Pagkatapos niyang sabihin ang mga pangalan ng mga opisyal, agad niyang iniutos na i-relieve sa pwesto ang mga ito.
“As this time, I ordered them relieved from their assignments and report to the director general. I would like to talk to them but certainly I would expect the police commission to do their thing. Imbestihagan ninyo ito at huwag ninyong akong bigyan ng zarzuela na ano. Hanapin ninyo ang totoo.“ Pahayag pa ng Pangulo
Ayon naman kay PNP Chief Director General Ronal dela Rosa, handa niyang pakinggan ang magiging paliwanag ng tatlong heneral na aktibo sa serbisyo na pinangalanan ng Pangulo.
(Nel Maribojoc/UNTV Radio)
Tags: Armed Forces of the Philippines, ilegal na droga, Pangulong Duterte